Thursday, April 21, 2005

childhood memories

--nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

*kumakain ka ba ng aratilis?
opo. pumupunta kami sa bahay ni doctor araw at umaakyat sa puno ng aratilis (na ang tawag namin paminsan-minsan ay saresa sa kapampangan). minsan sumasakit ang tiyan ko pagkatapos kumain ng aratilis na hindi hinuhugasan muna ng tubig.

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis
tingting?
opo! pero ang pinakamemorable na gumamela bubbles ay ang ginawa namin nung college sa isang demo production for a children's show kung saan sinubukan namin mandaya (nagdagdag kami ng tide sa mixture at hindi parin bumula). muntikan nang ma-5 ang kaklase kong si kai pero dahil sa sobrang natawa ang teacher sa kawawang gumamela na nalupaypay pero hindi bumula ay binigyan na lang siya ng 3.

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at
di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
opo. kaya ang ginawa naming magpipinsan ay hindi kami natutulog pero naglalaro kami sa loob ng kwarto tapos magpapanggap na tulog pag may pumasok. kaya lang nagkinikiliti kami para siguraduhin na tulog kami at papaluin kung mahuhuli. kaya nagsusuot kami ng maraming shorts na patong-patong para hindi masakit paluin. pero nahuli kami dahil pagpalo sa pinsan ko lumabas yung shorts sa ilalim at lahat kami pinalo. mahigit 1 linggo akong hirap maglakad.

*marunong ka magpatintero, saksak puso,
langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? -
opo. pati 10-20! lagi ako mother. at saka kick-ball with the kids from the other street.

*malupit ka pag meron kang atari, family computer
or nes?
opo. wala kaming family computer pero ang pinsan kong si jaygee ay meron. kaya nakikilaro kami doon. isang araw nung wala sila, sinubukan kong maglaro mag-isa at naisaksak ko ang 110 sa 220 at sumabog ang tv. hanggang ngayon ay hindi pa nila alam na ako ang nakasira ng tv at family computer sa kagustuhan kong umabot sa last stage ng supermario.

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,
right, left, right, a, b, a, b, start?
ehe. parang hindi ko maalala. baka kaya hindi ako umabot sa last stage ng supermario sa buong tanangbuhay ko.

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,
Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard
Gomez?
nagkaroon ako ng shorts na U.S.E.D., esprit, at blowing bubbles (pantalon na stripes nung uso pa. hihihi)

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little
pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos,
he-man at marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?
opo. kay rainbow brite at sa carebears. pero ang pinakamahal ko ay sina garfield and friends, at sina jem and the holograms.
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si
annie at type na type mo ang puting panty nya?
opo. pero ang alam ko ay dilaw ang panty ni annie. not that i am looking. marami din naman akong panty of my own. baka yung mga boys. pero crush ko si alexis. hihihi.

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na
talaga ng 5.25 na floppy disk?
opo! sa sobra kong karunungan sa wordstar ay nung 1st year high school, ako pa ang ipinadala sa computer competition sa claret for fastest and most comprehensive essay writing done on wordstar. (*geek*)

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo
magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210?
opo! kaibigan pa sa college ng tita ko si ate sienna kaya sikat ako. ehehehe. pero si ate sienna ay hindi kasing-bait ng kanyang tv self. sa totoo lang, isa siyang malaking flirt. si kuya bodjie ay mahal ko rin.
- nung naging grade 6 ako ay nanood din ako ng 90210. at crush ko si brandon! Ü

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang
bangs mo?
hindi ako gumamit masyado ng aqua net pero nilabanan ko ang aking pagkakulot sa paggupit ng bangs ko. na laging s-shaped sa gitna ng noo ko. yak!

*meron kang blouse na may padding kung babae
ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
opo! sa kagustuhan kong gayahin ang nanay ko ay karamihan ng damit ko ay may padding. kasabay ng mga leggings na may sukbitan sa paa. at meron din akong mighty kid! at barbie na rubber shoes. uso din yun nun! at saka gregg shoes!!!

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig
ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
opo! at hindi lang statio ang kinokolekta ko. pati eraser na mabango. at sticker. at siyempre, ang slumbook. kaya lang isang crush ko lang ang nakapirma dun. at sinabi niya he thought i was friendly. hay. noon pa ay "just friends" lang ang tingin sa akin. *tears* pero okay lang. nung medyo tumanda ako, pumasok siya sa balikbayan box at ineregalo niya ang sarili niya sa akin, kasama ang isang happy birthday troll, na kinolekta ko rin. Ü

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit
girls?
aba siyempre! pati si irma daldal. at ang sitsiritsit ay hindi girls. alien sila. sinasabi nila sit-si-rit-sit-a-li-bang-bang. kasama na rin siyempre si pong, kiko, at iba pang batibot friends.

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo
makakalimutan ang time space warp chant?
TIME SPACE WARP! NGAYON DIN! umshigi-shigi...noon ang pangarap kong trabaho at mag-voice-over sa shaider.

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect
strangers?
si mcgyver okay lang pero paborito namin lahat ang perfect strangers at pinapanood naming buong pamilya.

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone
number nyo dati?
OPO!!!! 961-922! at mayron pa kaming partyline!!! na lagi namin sinusugod dahil napakatelebabad nila.

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3
bentesingko lang ang dala?
OPO!!! may kanta pa nga niyan si dingdong avanzado...3 bentesinko lang ang aking kailangan...

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo
ang song na "eh kasi bata"?
opo! pangarap ko ngang mag-little miss philippines. pero noon pa, ayoko na si LA Lopez dahil mukha siyang abnoy.

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh
nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng
nanay mo sa ref?
OPO! lalagyan namin ng tubig ang mga bote!! at naaalala niyo ba ang sweet dairy milk? at ang mga libreng libro sa NIDO?

*meron kang pencil case na maraming compartments
na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
OPO! pero lumipas ang panahon at nakabili pa ako ng pencil case na may mga nagsusurfing sa itaas! (yung tubig na may blue na oil?)

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun
Factory?
OMG! eto ang malupit! kita galing sa bubong ng lumang bahay namin ang goya factory! at lagi kaming sumisigaw pag brownout sa mga tao dun!

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at
"alagang-alaga namin si puti"?
Tinapang bangus, tinapang bangus...masarap ang tinapang bangus!

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong
sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,
asawa ni marie"
hindi ko po ito alam.

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at
nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?
mayron akong playdoh! pati lego! pero hindi ako sosyal. ang kapitbahay ko na only child, si iya figueroa, may kumpletong set ng barbie, ken, bahay, kotse, at makeup para sa barbie niya. yung mga barbie ko puro palamunin at pulubing hubad at na-rape ng mga GIJOE ng mga pinsan ko. :-(

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at
yung diyes na square?
opo.

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat
talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...
nangangagat nga naman ang sabi ng kanta. pero asan ang bibig niya?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera
yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
diba binigay ng nanay yung panty niya?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam
mo hanggang ngayon.. aminin?
AHEHEHEHE! opo. pero ngayon ay hindi ko na alam. pero gusto kong maging alabang girl nun.

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag
pinapawisan ka?
ako po bimpo.

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble
gum... tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?
tarzan? ano yun?
texas? ano yun?
bazooka bubble gum!! pero sumasakit ipin ko pagkatapos.

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes
ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay
ka tawagin ang porni as BOLD? -may betamax kami pero di ako nanunuod ng BOLD noon ha...
ang tatay ko walang bold, (also known as BOMBA), pero ang tatay ng pinsan ko marami...hanggang ngayon!!! sabi nila manonood kami ng little mermaid tapos iba ang pinanuod namin. MARIA MAKILING na MALAKI. na ang sound ay Little Mermaid. mygash. all this at 6.

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla
magugunaw daw ang mundo?
ay hindi mashado.

sabi ay kung alam ko raw ang lahat ng ito ako ay 25. 23 pa lang ako!!!!

No comments: